44

Apr 22, 2021 @ 14:11
By

Locsin pinuri ‘pag-iiba ng taktika’ ng komunista

May sarcastic na pahayag si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. tungkol sa kilusang komunista at sa nag-uusbungang mga community pantry sa bansa.

Aniya, natutuwa siyang “nag-iba ng taktika” ang mga komunista mula sa pakikipaglaban patungo umano sa pamimigay ng libreng pagkain.

Dapat aniyang magpokus parehong ang gobyerno at mga rebelde sa “combat” ng kung sinong mas maraming mapapakain ng masasarap na pagkain.

“I applaud communists for changing tactics from combat to cooking free meals or giving out eggs and veggies,” sarcastic na tweet ni Locsin, Huwebes.

“That is the combat I want to see nationwide: government and rebels competing who feeds the most people with the tastiest and freshest food. Anything else is shit,” dagdag niya.

Magugunitang pansamantalang isinara ni Ana Patricia Non ang itinayo niyang Maginhawa Community Pantry sa Quezon City matapos akusahan siya ng ilang government supporters na konektado sa mga komunista.

Nilinaw na ni Non na wala siyang link sa Communist Party of the Philippines at ipinunto na “last thing na kailangan ko i-explain sa mga tao ay kung ano ako, sino ba ako, kasi malinaw yung intensiyon ko: may mai-set up na community pantry and makakain ang mga tao, may pantawid-gutom.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?