241

Jan 26, 2021 @ 20:35
By

Locsin pinigil pagbayad ng P7.5M ‘blood money’ sa pinatay na OFW

Inatasan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Philippine Embassy sa Kuwait na ihinto ang pagbabayad ng P7.5 milyong “blood money” sa pamilya ng pinaslang na Pinay worker na si Jeanelyn Villavende.

Pinasisiguro niya kay Philippine Ambassador to Kuwait Noordin Pendosina Lomondot na mapapatupad ang hatol na death penalty laban sa employer ni Villavende.

“The P7.5 million blood money to pay off this horror is changing hands even as I tweet; ordered Kuwait PE Lomondot to stop it; on our part we must match the P7.5 million offer to her surviving kin—NOW! Lomondot must make sure the court judgment of death is carried out,” tweet ni Locsin.

Sinamahan niya ang tweet ng larawan ng pinaslang na OFW.

Disyembre 2020 hinatulan ng Kuwait court ng parusang bitay ang babaeng employer ni Villavende dahil sa ilang araw na pananakit sa Pinay at pagkulong sa kuwarto hanggang sa mamatay taong 2019.

Lumabas sa awtopsiya ng National Bureau of Investigation na hinalay din si Villavende.

Samantala, apat na taong pagkakakulong naman ang sentensiya sa mister ng babaeng Kuwaiti employer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?