7

Sep 11, 2020 @ 14:54
By

Locsin: Pemberton pardon hindi kapalit ng COVID vaccine

Giniit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang kinalaman ang dini-develop na COVID-19 vaccine ng Amerika sa binigay na absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Sa tweet ni Locsin nitong Huwebes, sinabi nito na wala silang naging pag-uusap sa kampo ng USA para sa paglaya ni Pemberton.

“There is no exchange. I clinched that purely on my charm with US Secretary of State Mike Pompeo. I insisted that it be a private sector venture,” lahad ng kalihim.

Ito’y matapos na ihayag ni presidential spokesperson Harry Roque na posibleng may kasunduan ang Pangulo at Amerika tungkol sa pagsiguro ng supply ng bakuna sa bansa.

Sinagot din ni Locsin ang isa pang tweet at muling diniin na walang representante ang USA nang desisyunan ni Duterte ang pardon para kay Pemberton.

Si Pemberton ay anim na taon nang nakakulong matapos hatulang guilty sa homicide dahil sa pagpaslang sa Pinay transgender woman na si Jennifer Laude sa Olongapo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?