200

Dec 31, 2019 @ 15:48
By

Locsin: Patayin ang pumaslang sa OFW sa Kuwait

Nanggagalaiti si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa pumaslang sa isang overseas Filipino worker sa Kuwait.

Nakipagkita si Locsin kay Kuwaiti Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh para ilabas ang saloobin sa pinatay na OFW ng asawa ng kanyang employer.

Saad ni Locsin, nakadepende ang patuloy na pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait kung maibibigay ang hustisya sa namatay na kababayan.

“The friendship between your country which gives our people the jobs they cannot find at home and our people whose faithful service make the life of your people easier depends on justice being done the murdered maid. An eye for an eye, a life for a life,” saad ni Locsin.

Aniya pa, dahil hinambalos sa ulo ang OFW ay dapat ulo rin ang maging kapalit na parusa para sa gumawa ng krimen.

” In short. She bashed her head. So I want the head of the employer’s wife who murdered their Filipina maid,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?