107

Sep 24, 2020 @ 16:52
By

Locsin napamura kay Arroyo

“Hold elections period,” ang tindig ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sa panawagan ng isang mambabatas na ipagpaliban ang Halalan 2022.

Matatandaang nanawagan si Pampanga Rep. Mikey Arroyo sa Commission on Elections na ikonsiderang kanselahin muna ang darating na presidential election sa Mayo 2022 dahil takot pa umano ang mga botante sa banta ng COVID-19 pandemic.

Pahayag ng kalihim, nananatiling demokrasya ang Pilipinas kaya kailangang isagawa ang halalan.

“You don’t cancel elections for any reason. That’s treason. We are a democracy or a shet slave colony. Hold elections period,” tweet ni Locsin ngayong hapon, Setyembre 24.

“Those brave to stand in line & vote—even if only 12—decide the next President.”

“Elections=democracy or Fuck U. You fucking shet,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?