60

By

Locsin nangakong huhubaran ng maskara ang nasa likod ng passport data loss

Maaari umanong maglunsad ng social media campaign laban sa kanya ang mga nasa likod ng passport mess kaya aalamin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy Locsin Jr., kung sino ang mga ito.

“Those behind the passport mess will launch a social media campaign against me. I will identify them,” ani Locsin sa Twitter post.

Isang netizen naman ang nagsuhestiyon na ipatawag ni Locsin ang lahat ng DFA officials na sa tingin nito ay nasa likod ng naturang gulo.

Pero ani Locsin, ipapaubaya niya na lang sa Senado at Department of the Justice ang imbestigasyon sa kontrobersiya.

“No. I want the problem fixed. Let the Senate investigate and DOJ prosecute if ever,” saad ni Locsin.

Ang mga pahayag ng kalihim ay matapos nitong ibunyag noong Sabado na “tinangay” lahat ng dati nilang passport maker ang data ng passport holders nang mainis sa termination ng kanilang kontrata.

Bunga nito, sinabihan ng DFA ang holders ng “older” o non-electronic passports na magre-renew na magdala ng kanilang birth certificates.

Hindi naman kailangan na magdala ng birth certificates ang magre-renew ng electronic passports.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?