12

Jan 28, 2021 @ 19:13
By

Locsin naka-quarantine

Kinailangang mag-quarantine ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. matapos makasalamuha ang ilang opisyal ng DFA na nagpositibo sa coronavirus disease.

Inanunsyo rin ni Locsin na isasara ang gusali ng Department of Foreign Affairs hanggang Pebrero 2 o kung kailan lumabas ang resulta ng COVID-19 test ng mga na-expose sa virus.

“Sadly I must (undergo) quarantine. I’m negative but the building and officers I met yesterday tested positive. We’re going into lockdown till Tuesday when we test again,” sabi ni Locsin sa isang tweet.

Hindi binanggit ng DFA chief kung ilang tauhan ang infected sa kanilang opisina sa Pasay City pero nagpapatuloy na aniya ang contact tracing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?