26

Apr 6, 2020 @ 19:17
By

Locsin nag-donate ng sahod para sa ‘no work, no pay’ sa DFA

Nag-donate din si DFA Sec. Teodoro Locsin ng 75% ng kanyang suweldo sa isang buwan para sa mga empleyado ng kagawaran na ‘no work no pay’.

Sinabi ni Locsin na kanyang nang naidonate ang 75 percent ng kanyang suweldo dahil sa nararanasang emergency crisis dahil sa covid19 .

Ang hakbang ni Locsin ay ginawa matapos ang ianunsiyo ni cabinet secretary Karlo Nograles na mayorya ng mga cabinet members ay boluntaryong mag-donate ng kanilang sahod para makatulong sa gobyerno sa paglaban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?