82

Dec 27, 2020 @ 17:19
By

Locsin: Moderna minamadali na bakuna para sa ‘Pinas

Binahagi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang magandang balita para sa mga Pinoy tungkol sa COVID-19 vaccine.

Sa tweet ng kalihim, sinabi nito na naghahanda na ang biotechnology company mula Amerika na makapagpadala ng malaking shipment ng bakuna sa bansa.

“Moderna on board and accelerating huge shipment. Everything’s falling back into place. We will have complete range of vaccines from least effective to most available for everyone to choose from,” lahad ni Locsin sa impormasyon mula kay Philippine Ambassador sa Estados Unidos Babe Romualdez.

Matatandaan na ilang araw na ang nakararaan ng ianunsyo ni Locsin na inaayos na ni Romualdez ang negosasyon para sa bakuna ng Moderna.

Bukod pa sa Moderna, nagpahayag din ng pangakong supply na 25 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang kompanyang Arcturus.

Ang Moderna vaccine ay nabigyan na ng emergency use authorization sa Amerika, na ibig sabihin ay nagagamit na ito sa naturang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?