31

Jul 29, 2020 @ 10:14

Locsin mistulang kupido

Pinaaaksiyunan na ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sa kanyang tanggapan ang suliranin ng isang magkasintahan na dapat ay ikakasal na.

Humingi ng tulong si netizen @JessamynSy kay Locsin at sinabing “Sir. Please help us. We were supposed to get married. Whatever documents you need, we will give it to you as a proof of relationship. Please.”

Tugon naman ng kalihim, “@DFAPHL please get in touch with them.”

“Looks like true love,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?