8

May 4, 2021 @ 21:12
By

Locsin: Matinding quarantine para sa Pinoy mula India

Strikto at mas mahabang quarantine ang naghihintay sa mga Pilipinong babalik ng bansa mula India sakaling payagan na silang makauwi mula sa naturang bansa, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Ayon sa kalihim, ito ay para masiguro na hindi kakalat sa Pilipinas ang coronavirus variant galing India na tinatawag na “double mutant” strain.

“I must warn you, even if flights are resumed; the quarantine requirements for them will be especially hard, long, and strict. We can’t afford to get the variant,” saad ni Locsin sa kanyang Twitter account noong Martes.

Sa kasalukuyan ay hindi pa bukas ang biyahe sa pagitan ng dalawang bansa dulot na rin ng COVID-19. Ayon kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr., nasa 60 hanggang 70 na mga Pinoy sa naturang bansa ang lumapit na sa embahada upang magsabi na nais na nilang umuwi ng Pilipinas.

Sa isang panayam, binanggit ni Bagatsing na hinihintay na lamang nila ang muling pagbubukas ng commercial flights mula India upang maiuwi ang mga Pinoy. Kinokonsidera rin nila ang paglulunsad ng special flights gamit ang mga eroplano ng militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?