5

Oct 30, 2020 @ 16:53
By

Locsin makikipagkita sa AstraZeneca para sa COVID bakuna

Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na ilang opisyal ng gobyerno ang nakatakdang makipagkita ngayong Biyernes sa mga kinatawan ng AstraZeneca, isa sa mga nangungunang developer ng bakuna laban sa coronavirus disease.

“We’re meeting AstraZeneca later with FDA (Food and Drug Administration). Will assure them fairness across the board, no favors, no funny stuff, we need all the vaccines we can get,” ani Locsin sa tweet.

Binanggit ni Locsin na sakaling maging available na, ibebenta ng European drug maker ang gawa nitong bakuna sa kaparehong halaga ng nagastos nito o walang tubo.

Nilinaw naman ni Locsin na walang plano ang AstraZeneca na magsagawa ng mga trial sa Southeast Asia.

“I just talked to AstraZeneca. It is not conducting trials anywhere in Southeast Asia and yet Indonesia has preordered 100 million doses; so since we are all equal members of one human race it doesn’t matter. The primary consideration should be cost per dosage,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?