10

Jan 29, 2021 @ 9:07

Locsin magka-quarantine

Sasailalim si Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. sa quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang mga nakahalubilo niyang opisyal.

Sa Twitter, sinabi rin niyang nagnegatibo siya sa coronavirus at isasara muna ang main building ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Roxas Boulevard.

“I must quarantine. I’m negative but the building and officers I met yesterday tested positive. We’re going into lockdown til Tuesday when we test again,” parte ng pahayag ng kalihim, Huwebes.

Ayon sa pahayag ng DFA, pansamantalang isasara ang headquarters nito mula ngayong Biyernes, Enero 29, hanggang Martes, Pebrero 2, bilang parte ng assessment ng public health and safety measure ng ahensiya.

Pwede anilang maurong ang reopening date depende sa resulta ng assessment.

Samantala, mananatiling bukas ang DFA office sa ASEANA sa Macapagal Avenue para sa mga magpoproseso ng pasaporte at para sa iba pang consular services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?