185

Oct 27, 2020 @ 20:55
By

Locsin: Mabagsik ang imbestigador sa nangmaltratong ambassador

Determinadong talupan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang na-hulicam na pananakit ni Philippine ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kanyang kasambahay na Pinay din.

Ayon kay Locsin, mula pa sa ibang bansa ang opisyal na mag-iimbestiga kay Mauro at tinuturing ito bilang ‘best guy’.

“I’m still trying to get the best guy abroad here—no flights—and he is not an ambassador but is the very best in the business, to come in and do the investigation. He is relentless,” tweet ng kalihim.

Nitong Lunes ay nalantad ang pananakit ng ambassador kung saan nakita sa CCTV footage ang ginawang panghahampas at pagpingot ni Mauro sa kanyang kasambahay.

Saad ng DFA, kanila nang kinokontak ang domestic helper, na nakauwi na sa Pilipinas matapos umalis sa Brazil noong October 21.

Hindi pa naman nakakabalik sa bansa si Mauro matapos itong i-relieve sa kanyang tungkulin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?