61
Locsin kumpiyansa sa kasalukuyang Mutual Defense Treaty
Mar 1, 2019 @ 14:08
By

Locsin kumpiyansa sa kasalukuyang Mutual Defense Treaty

Hindi na umano kailangan na rebyuhin ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ang pananaw ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na taliwas sa posisyon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

“My own view is no. I believe in the old theory of deterrence. I have been an old man, I’ve engaged in the Cold War for longer than you. In vagueness lies the best deterrence,” ani Locsin nang tanungin hinggil sa posibilidad na suriing muli ang MDT.

Dagdag pa niya, nakasisiguro naman umano ang gobyerno sa ibinibigay na garantiya ng Amerika kaugnay ng proteksiyon sa interes ng bansa sa South China Sea.

“We are very assured, we are very confident that the United States, as in the words of Secretary Pompeo and the words of President Trump to our President, ‘We have your back’,” saad pa ni Locsin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?