52

Dec 31, 2019 @ 15:38
By

Locsin: Duterte nangangambang mahina ang mga Pinoy sa math

Sinegundahan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang akdang batas ni Senador Win Gatchalian sa pagtatayo ng Math and Science high school sa bawat probinsya.

Saad ng kalihim, kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay nangangambang mahihina ang mga Pilipino pagdating sa math.

“Great. Duterte worries we’re no good in math. Brought it up in Cabinet,” ayon kay Locsin.

Sa ilalim ng Senate Bill 369 o ang Equitable Access to Math and Science Education Act, ire-require na magkaroon ng isang public Math and Science High School sa mga capital city ng bawat probinsya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?