310
Locsin dumepensa sa ‘taho’ issue: Sister Fox hindi dapat dineport
Feb 10, 2019 @ 14:34
By

Locsin dumepensa sa ‘taho’ issue: Sister Fox hindi dapat dineport

Binanatan ng mga netizen si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa sinabi nitong hindi na dapat palakihin ang isyu ng pagsaboy ng taho ng isang Chinese sa isang pulis sa MRT-3, na humantong sa usapin tungkol kay Sister Patricia Fox.

Isang twitter user na may user name na @SpammyHammy4 ang nagtweet at tinag si Locsin hinggil sa insidente ng pambabastos ng isang Chinese sa isang pulis.

Agad na sinagot ni Locsin ang naturang tweet at sinabi nitong ‘pathetic’ ang magpapalaki ng naturang isyu dahil kahit saang bansa naman ay maaaring mangyari ito.

Humantong ang sagutan sa reklamo ng ilan na bakit umano tila ayaw ipa-deport ni Locsin ang Chinese samantala ay nagawang ipa-deport si Sister Patricia Fox, isang madre na tumutulong lang naman sa mga mahihirap na Pilipino.

Agad na dumepensa si Locsin at sinabing hindi dapat na dineport si Sister Fox dahil isa itong paglabag sa religious freedom.

Dagdag pa nito, estupido umano ang mga abogado ni Sister Fox dahil hindi ni-raise ng mga ito ang constitutional issue at hindi napigilan ang deportation ng madre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?