171

Aug 1, 2021 @ 20:48
By

Locsin badtrip sa pangakong bakuna na napako

Ikinagalit ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang umano’y pangakong bakuna para sa mga empleyado ng ahensya na napako at ‘di pa naibibigay.

Sa isang tweet nitong Linggo, inihayag ng kalihim ang kanyang pagkadismaya, matapos umanong pangakuan ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng nasa 30,000 bakunang Moderna na ‘di dumating.

“I was promised 30,000 Moderna for my people and the diplomatic corps. My people who are frontliners. I don’t know where the f**k that went, but words cannot express my embarrassment and anger,” ani Locsin.

Dagdag pa ng kalihim, ang bakuna sana’y magsisiguro na ligtas ang mga kawani ng DFA.

“No one endangers my people. No one,” saad pa nito.

Ilang oras matapos ang tweet na ito, nagreply dito si Locsin at nagbigay ng isang salitang makapaglalarawan sa kanyang nararamdaman sa pangyayari.

“Put Angina is as politely as I can say it. It’s a medical term,” pahayag ni Locsin.

Ang Angina ay tumutukoy sa sakit sa dibdib dulot ng kakulangan ng oxygen sa puso. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?