91

Oct 2, 2019 @ 12:29
By

Locke in, Wright out

May bagong import na ang Rain or Shine kapag sinagupa ang defending champion Magnolia Pambansang Manok sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019 eliminations sa Biyernes, Okt. 4, sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Siya ay si Kayel Locke na rumelyebo kay Joel Wright, na sinibak tapos mahaguran ng ika-2 talo ang RoS, huli nitong Sabado kontra TNT, 103-91, para sumubasob ang win-loss record sa 1-2 na tama lang para sa pagsalo sa eight place.

Kinumpirma ni Elasto Painters Carlos ‘Caloy’ Garcia ang kaganapan.

Kakagiya lang ni Locke, 25, sa Farmco sa muling paghahari sa Malaysian Professional League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?