76

Aug 1, 2021 @ 18:50
By

Lockdown tatapusin ng bakuna, pakikibagay sa pagbabago

Matatapos umano ang “roller coaster” lockdown sa bansa kapag marami na ang nabakunahan at natuto na makibagay sa pagbabago na dala ng COVID-19 gaya ng ginawa sa Taiwan at Singapore.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, magluluwag na ng lockdown restriction ang Taiwan at Singapore ngayong buwan at sa susunod na buwan.

Sinabi ni Salceda na 2% lamang ng populasyon ng Taiwan ang nabakunahan na, malayo sa herd immunity pero magluluwag na sila ng restriction.

“Because they have learned to adapt to the virus and reduce cases through mass testing, tracing, and effective minimum health standards and protocols, they are gradually but permanently withdrawing health restrictions,” paliwanag ni Salceda.

Sa gagawing ito ng Taiwan, inaasahan na lalago ang kanilang Gross Domestic Product (GDP) ng 7.5% ngayong taon.

Ang Singapore naman ay makakapagbakuna na ng 80% ng populasyon nito sa susunod na buwan.

“The withdrawal of restrictions is expected to be staggered but also permanent. No more roller-coaster between lockdowns and reopening, as it tends to disrupt business more than the lockdowns themselves,” sabi ni Salceda.

Nakausap ni Salceda si testing czar Vince Dizon at sinabi umano nito sa kanya na maganda ang ipinakikita ng National Vaccine Operations Center sa distribusyon ng bakuna.

Linggo-linggo ay dumarating umano sa bansa ang 5-7 milyong doses ng bakuna subalit ang nababakunahan lamang ay nasa 2 milyon.

“…But we can do better if we want to end this cycle of locking down when cases go up and loosening up when cases go down,” dagdag pa ni Salceda. “Quick vaccination and strong adaptation is the only way to survive and also end the vicious cycle of locking down now and reopening later and locking down again.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,