13

Apr 7, 2021 @ 16:00
By

Lockdown sa Tuguegarao in-extend

Magtatagal hanggang Abril 12 ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Tuguegarao City.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Jefferson Soriano na inaprubahan ng COVID-19 inter-agency task force ang hiling ng city government na palawigin ang kanilang lockdown status.

Nagsimula ang ECQ sa nasabing lungsod noong Marso 30 at nakatakda sanang magtapos sa Abril 8.

Ayon sa alkalde, dahil sa bagong pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 doon kaya sila napilitang i-extend ang lockdown.

Hanggang nitong Abril 6, may 724 aktibong kaso ng coronavirus sa Tuguegarao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?