4

Jan 19, 2021 @ 16:53

Lockdown sa Sulu inalis na

Pinutol na ng Sulu provincial government ang ipinatupad na 14 araw na lockdown matapos isara ng Malaysia ang border nito sa Pilipinas.

Ayon kay Sulu Governor Abdusakur Tan, inalis ang lockdown kahapon, January 18, matapos mabatid na hindi pinapayagan ang mga Pilipino na makaalis o makapasok sa Malaysia dahil sa bagong coronavirus variant.

“We need to lift the lockdown in order for shipping lines and airlines to resume their respective commercial trips to the province (and so that) trade and commerce may now commence in the province,” paliwanag ni Tan.

Dagdag ni Tan, ibinalik na ang lalawigan sa dating status na modified general community quarantine.

Maaari nang makapasok ang mga bisita sa Sulu pero kailangang dumaan ng mga ito sa sampung araw na quarantine para masigurong hindi carrier ng coronavirus.

Para naman sa mga locally stranded individuals at authorized persons outside residence, kailangang magpresinta ng negatibong resulta ng swab test

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?