384

Dec 5, 2020 @ 18:54
By

Lockdown sa Pasko? Fake news – IATF

Pekeng balita, ayon sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), ang mga post na nagkalat sa social media na muling ipatutupad ang enhanced community quarantine sa bansa mula Disyembre 22, 2020 hanggang Enero 2021.

“Fake news po,” ani Presidential Spokesman at IATF spokesperson Harry Roque sa ulat ng Inquirer nitong Sabado.

Pinabulaanan din ni Interior Secretary Eduardo Año ang tungkol sa lockdown ngayong holiday season dahil wala pa raw suhestiyon tungkol sa quarantine status sa Kapaskuhan.

https://www.facebook.com/battiil/posts/3767496073313614

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?