9

Dec 28, 2020 @ 17:56
By

Lockdown hindi pa kailangan – Año

Hindi pa kailangang magpatupad ng lockdown sa Pilipinas hangga’t wala pang nakikitang ebidensiya na nakapasok na sa bansa ang bagong strain ng COVID-19, na unang nadiskubre sa United Kingdom, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

“From all indicators dahil sa nangyayari dito sa ibang bansa baka lang mag-remain muna tayo sa dating classification particurlarly in NCR (National Capital Region) pero hindi pa natin malalaman, mamaya sa discussion at Pangulo pa rin ang magde-decision pero ang aming talagang proposition ngayon is papaano mapipigilan ang pagpasok ng bagong variant dito sa loob ng bansa,” saad ni Año.

“Para sa akin hindi pa naman kailangan na magkaroon tayo ng mas mahigpit na lockdown kasi wala pa naman tayong pruweba na nakapasok na dito,” dagdag niya. giit ng kalihim.

Tiniyak din ni Año na wala pang naiuulat na transmission ng bagong strain ng COVID-19 at sa ngayon ang kanilang panuntunan o guidelines, ang lahat ng taong manggagaling sa mga bansa kung saan positibong mayroong bagong strain ng COVID-19 ay kinakailangang sumailalim muna sa 14 araw na mandatory quarantine. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?