28

By

Localized peace talks sa makakaliwa mas praktikal – Lacson

Sharing is caring!

Inendorso ni Senador Panfilo Lacson ang plano ng Malacanang na gawing “localized” ang peace talks sa partido komunista sa halip na ang kausapin ay ang mga lider nito na nasa Netherlands.

Sinabi ni Lacson na mas praktikal at matipid pa kung direktang kakausapin ng gobyerno ang mga rebeldeng komunista sa mga bayan at lalawigan na mayroon silang pwersa sa halil na dinarayo pa sa ibang bansa ang nag-aangking lider ng mga ito.

“Way to go. Localized peace initiatives ang mas practical, mabilis at menos gastos pa na pamamaraan sa pakikipagusap sa mga rebeldeng komunista,” sabi ni Lacson.

Hindi na umano kailangan pang isali si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison dahil wala na itong kontrol sa mga kasapi ng New Peoples Army (NPA).

Bukod dito, sinabi ni Lacson na iba’t iba ang sitwasyon at pwersa ng mga reblde sa bawat lalawigan at rehiyon kaya dapat ay iba’t iba ang paraan ng pagtrato sa mga ito.

Mas kabisado rin umano ng mga lokal na opisyal ang kailangan ng mga rebelde sa kanilang lugar.

“Mas alam ng mga lokal na pamahalaaan ang mga pangangailangan ng mga rebelde sa kani-kanilang lugar, at pwede silang kumuha ng mga malalapit na kamag-anak o kaibigan na maaaring mamagitan sa magkabilang panig; at mas alam din nila ang mga kapaki-pakinabang na pangangailangan ng mga rebelde kung sakaling magbalik-loob sila sa pamahalaan,” dagdag pa ni Lacson.

Pero nagpaalala si Lacson na kailangan muna rito ng maliwanag na guidelines at parametes at kailangan pa ring may supetbisyon ng central government ang pakikipag usap ng local officials sa mga rebelde.

“Ang kailangan lang ay maliwanag na guidelines at parameters para sa pakikipagusap na gagawin ng bawat lokal na pamahalaan, kasama na ang ibayong ayuda at supervision ng central government.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?