21

Jul 22, 2021 @ 22:34
By

Local transmission ng Delta, dapat i-assume – Duque

Kahit kulang pa umano ang mga ebidensya ay dapat na ring ituring na nagkaroon na ng local transmission ng Delta variant sa bansa, ayon sa pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Huwebes.

Ito ay dahil na rin umano sa mga bagong naitalang local cases ng nasabing variant nitong Huwebes.

“We need to assume na meron nang local transmission. But there is no evidence to establish,” pahayag ni Duque.

“We are doing everything to improve our response, to increase our capacities, more beds, more ICU beds, more oxygen tanks,” dagdag pa ng kalihim.

Sa ngayon ay pumalo na sa 47 ang lahat ng kaso ng Delta variant sa bansa. Samantala, ang 12 kaso na nadagdag nitong Huwebes ay nakarekober na umano.

“All cases have been tagged as recovered but their outcomes are being validated by our regional and local health offices,” pahayag ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?