47

Apr 23, 2018 @ 12:01
By

Local officials sa Lanao, nagsuko ng mga armas sa militar

Kusang-loob na isinuko ng local officials ng Pantao-Ragat Lanao Del Sur sa pangunguna ni Municipal Mayor Lacson Lantud ang 23 piraso ng mga matataas na kalibre ng armas sa militar.

Ayon kay Major Ronald Suscano, tagapagsalita ng 1st Infantry Division, sa isinagawang turnover ceremony sa Municipal Hall ng Pantao pormal na ibinigay ng local officials ang kanilang mga armas sa militar.

Kabilang sa mga isinuko ng mga opisyal ang sampung 50 Garand rifle, 2 caliber 5.56 mm M4 rifles, 1 cal. 5.56mm M16 A1 M653 rifles, 3 caliber 5.56 mm, 1 caliber 30 at 6 caliber 30 carbine rifles.

Nasa headquarters na ng 2nd Mechanized Brigade sa Iligan City ang mga baril para sa safekeeping.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?