21

Jan 10, 2022 @ 16:03
By

Local manufacturer payagan gumawa ng Molnupiravir para presyo bumaba – lady solon

Nanawagan ang isang solon sa gobyerno na payagan ang mga lokal na drug manufacturer na gumawa ng antiviral drug na Molnupiravir na ginagamit laban sa COVID-19.

Ayon kay House Deputy Speaker Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon party-list ang lokal na paggawa ng Molnupiravir ay magpapababa sa presyo nito.

Ang Molnupiravir, gawa ng Ridgeback Biotherapeutics LP at Merck & Co., ay nakababawas ng pagka-ospital at pagkamatay ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon sa ulat ginagamit na ito sa Estados Unidos at ang limang araw na gamutan ay nagkakahalaga ng $700, o tinatayang P35,000.

May kakayanan umano ang mga local drug manufacturer na gumawa ng Molnupiravir at ang kailangan lamang ay bigyan ito ng permiso ng gobyerno.

“In times of national health emergencies such as the one the country is currently experiencing with a presence of a pandemic, it is crucial that concerned government agencies provide the citizens with all the resources they need, including access to effective and affordable medicines,” sabi ni Herrera.

Hinimok din ni Herrera ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) na isama ang Molnupiravir sa listahan ng gamot na nasa ilalim ng drug products under emergency use (DEU) at bigyan ng otorisasyon ang mga drug manufacturer na gumawa nito.

“This will help mild-to-moderate Covid-19 positive patients to easily access Molnupiravir through the prescriptions they can obtain from their doctors,” dagdag pa ni Herrera.

Samantala, nanawagan din si Herrera sa Department of Trade and Industry (DTI) na bantayan ang bentahan ng COVID-19 testing kits.

“We have received reports that COVID-19 testing products are selling for double or triple their retail price,” wika pa ni Herrera. “This is unacceptable. The DTI must do something to stop people from taking advantage of others during a public health crisis.”

Tumataas ang demand sa mga COVID-19 test kit kaya tumataas ang presyo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?