28

By

Local, international media dinumog si Trudeau

Sharing is caring!

Nagmistula na namang rockstar si Canadian Prime Minister Justin Trudeau pagkatapos ng kanyang press conference sa International Monitoring Center sa World Trade Center matapos dumugin ng mga gustong makipag-selfie sa kanya.

Pagbaba pa lamang ng stage pagkatapos sumagot sa mga tanong ng local at international media ay sinugod na ito ng mga babae at lalaking nais makipag-selfie na game naman nitong pinagbigyan.

Punong-puno ang IMC at maging ang mga hindi working media ay nauna pang umokupa sa mga upuang nakalaan sa international media na magko-cover sa Prime Minister.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na napuno ang IMC sa panahon ng ASEAN summit.

Hanggang sa makalabas ng IMC ay sinundan ng mga tagahanga si Trudeau at maiksing “thank you!” at “Bye everyone!” ang inihayag nito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?