111
ABANTE drug courier shabu jailed crime arrested
Nov 17, 2018 @ 11:04
By

Local, barangay official, sabit sa iligal na droga

Arestado ang isang kagawad ng barangay habang nakatakas naman ang isang municipal councilor sa ikinasang magkahiwalay na search warrant na ibinase sa listahan ng drug watch list ng Davao Occidental.

Ayon kay Director Marcelo Morales ng Davao Police Regional Office (PRO) 11, inaresto si Harold Mark Seteota, kagawad ng Barangay Butulan, Jose Abad Santos, Davao Occidental, habang nakatakas naman si Jessel Atay, municipal councilor of Jose Abad Santos, Davao Occidental na kapwa nakatala bilang Level 2 sa drug watch list sa Davao Occidental.

Isinagawa ang ops sa paglabag sa Section 11, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na inisyu ni Judge Oscar Noel ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38, Justice on Wheels (JOW), Sarangani Province.

Si Seteota ay inaresto sa loob ng kanyang bahay at nakumpiska mula sa suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Habang nakatakas naman ang konsehal na si Atay makaraang makatunog na may paparating na pulis at nang siyasatin ang kanyang bahay ay tumambad sa mga pulis ang apat na medium-sized heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang shabu.

“Our fight against illegal drugs chooses no one. Kahit sino ka pa, small-time o big-time, tutugisin namin kayo dahil kasiraan kayo sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa,” ayon pa kay Morales.

Kasalukuyang nakakulong si Seteota habang hinihintay ang kanyang pagdinig sa Davao RTC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?