173

Oct 29, 2017 @ 13:31

llang bahagi ng Metro Manila at Cavite, 2 araw ang water interruption

Dalawang araw na hihina ang suplay ng tubig at maaring tuluyang mawala ang suplay nito sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite ngayong Lunes (Oktubre 30) at Martes (Oktubre 31).

Batay sa abiso ng Maynilad Water Services Inc. (Maynilad), maaapektuhan ng “low pressure to no water supply” ang kanilang sineserbisyuhan sa Las Pinas, Muntinlupa at Paranaque, gayundin sa Bacoor at Imus sa Cavite.

Sa kanilang Facebook account, sinabi ng Maynilad na magkakabit sila ng bagong “reverse osmosis assemblies” sa Putatan Water Treatment Plant bukas, Lunes, upang mapaghusay pa ang kapasidad nito na maglinis ng tubig.

“This will improve the plant’s treatment capacity and keep production stable even during sudden shifts in the quality of water coming from Laguna Lake,” ayon sa Maynilad.

Dahil ditto, ipinapayo ng Maynilad sa kanilang mga customer na mag-ipon ng tubig lalo na ang mga nasa matataas na lugar dahil maaring mas matagalan ang pagbabalik sa kanila ng suplay nito.

Ayon sa Maynilad, sa mga sumusunod na lugar at petsa ang water interruption. (Isaac Mendez)

October 30, 2017 (5AM) to October 31, 2017 (1PM)

BACOOR, CAVITE:
Molino II, III, and VII
Queens Row Central
Queens Row East
Queens Row West
San Nicolas III

October 30, 2017 (5AM to 11:59PM) & October 31, 2017 (3AM to 11:59PM)

IMUS, CAVITE:
Anabu I-A to I-F
Anabu II-A to II-F
Bayan Luma I to IX
Bucandala I, III, IV, and V
Carsadang Bago I & II
Malagasang I-A to I-F
Malagasang II-A to II-E and II-G
Poblacion I-A to I-C
Poblacion II-A
Poblacion III-A and III-B
Poblacion IV-A to IV-D
Tanzang Luma I to VI
Toclong I-A to I-C

October 30, 2017 (5AM) to October 31, 2017 (3PM)

LAS PIÑAS:
Almanza Uno
Almanza Dos
Pilar
Talon Uno
Talon Tres
Talon Kuatro
Talon Singko

MUNTINLUPA:
Poblacion
Putatan
Sucat
Tunasan
portions of Alabang

October 30, 2017 (7AM) to October 31, 2017 (3PM)

MUNTINLUPA:
Bayanan

October 30, 2017 (7AM) to October 31, 2017 (2PM)

MUNTINLUPA:
portions of Cupang

October 30, 2017 (5AM-4PM) & (11PM) to October 31, 2017 (3PM)

PARAÑAQUE:
Portions of BF Homes

October 30, 2017 (1PM) to October 31, 2017 (9AM)

LAS PIÑAS:
CAA
Manuyo Dos
Pulang Lupa Dos

October 30, 2017 (1PM) to October 31, 2017 (7AM)

MUNTINLUPA:
portions of Buli

October 30, 2017 (11PM) to October 31, 2017 (5AM)

MUNTINLUPA:
portions of Ayala Alabang Village

October 31, 2017 (2AM-7AM)

PARAÑAQUE:
Marcelo Green
San Antonio

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?