By

LJ wagas ang pag-ibig kay Paolo

Sharing is caring!

Kulang na lang kasal para talaga maging kumpleto na ang pagmamahalan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Sa pinosteng mensahe ni LJ sa kanyang Instagram account na may larawan ni Paolo na nakatingin sa itaas, ibinuhos na lahat nang Kapuso actress ang nilalaman nang kanyang puso para masabing wala nang makakabuwag pa sa kanilang samahan at talagang basbas na lang ni Lord ang kailangan para maging buo ang kanilang pag-iibigan.

Ang mensahe ay bilang pagbati nang aktres sa kasintahang kapwa Kapuso actor.

Lumalabas na napakabait at pasensyoso si Paolo sa kanilang relasyon ni LJ kung ang pagbabasehan ay ang mensahe ng huli sa post caption nito.

Sinasabi ni LJ na tinatanggap lahat ni Paolo ang katigasan ng ulo ng aktres. Sagad ang pasensya ng comedian-actor sa kasintahan.

Pinasalamatan rin ni LJ si Paolo sa pagmamahal at paga-alaga sa hindi lang sa kanya, kundi pati na rin sa anak nyang si Aki. (Si Aki ay lovechild nang aktres at ni Paulo Avelino).

Wala na raw ibang iniisip na makasama sa kanyang tabi kundi si Paolo at sa bandang huli ng kanyang mensahe nag-I Love You si LJ mula sa kaituran nang kanyang puso.

@lj_reyes, “Hey bud! It’s not just because it’s your special day, but maybe I realized I haven’t said it I often as I could lately. But THANK YOU! Thank you for being the strength that I didn’t know I needed. Thank you for the patience that you have consistently (which sometimes I look over) exemplified amidst my stubbornness (at times)!

“Thank you for taking so much care of me and Aki right when I thought I could do without anybody else in our life. Life never gets easy, and I just want you to know that I want you to be there even when it gets tougher.

“We are and never will be perfect, but I couldn’t imagine anybody else beside me but you! Continue to look Up, even if it blinds you. I will just be right her beside you, looking at you. Waiting if you need my hand to hold.

“Thanks for being my best friend throughout the past years and I know that you always be! Happy birthday Love @paolo_contis! I Love you! (from the deepest bottom of my heart).”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?