101

Oct 19, 2021 @ 18:23
By

LJ nakipag-date sa mga anak

Tuloy sa pagmo-move on si LJ Reyes sa hiwalayan sa anim na taong karelasyon na si Paolo Contis.

Nag-post siya ng photo kasama ang dalawang anak sa isang restaurant, na unang litrato nilang magkakasama buhat nang mag-alsa balutan sila patungong Amerika noong nakaraang buwan.

“Didn’t want this kind of day to end,” caption ni LJ.

Nakatira sina LJ, Aki at Summer sa pamilya ng aktres sa New York.

Si Aki ay anak ni LJ sa aktor na si Paulo Avelino habang si Summer ay supling nila ni Paolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?