209

Oct 13, 2021 @ 9:19
By

LJ happy sa New York: Walang tsismosa rito!

Inihayag ni LJ Reyes ang ilan niyang karanasan bilang isang bagong “New Yorker” matapos sumibat ng bansa kasunod ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Kuwento ni LJ, malaki raw ang Filipino community sa New York na nagsisilbing isa sa kanyang mga naging supoort system doon.

Anang aktres, wala pa umano ni isang beses na may kababayan siyang nang intriga sa kanyang controversial break up sa Bubble Gang actor.

“Wala pang dumating dito na Pinoy na nagtanong sa ‘kin or mentioned anything about my personal life,” wika ng aktres sa panayam ng GMA News.

“Ang sinasabi nila, ‘We’re so happy na nakita ka namin. We want to let you know that we support you.

I’ve always been vocal about it that if it weren’t because of God, ‘yung binibigay sa ‘king strength ni God, it wouldn’t have been possible. ‘Di ko rin inakala na nandito na kami,” dagdag pa niya,

Matatandaang nito lamang Agosto nanag pumunta si LJ sa Amerika bitbit ang kanyang dalawng anak na sina Aki at Summer. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?