19

Oct 13, 2021 @ 13:11
By

LJ handa nang patawarin si Paolo?

Ilang buwan matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis, tanong ng mga netizen, “Ready na bang magpatawad ang aktres?”

Sa isang panayam, sinabi ni LJ, na hindi madaling ibigay ang kapatawaran.

“Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness,” sey ng aktres sa panayam ng GMA News.

“I mean lahat naman tayo we get hurt, angry, but you work on it every day to forgive people, yourself, or whoever. You pray about it.

“Hindi kasi siya madaling bagay na ibigay so surrender lang talaga kay God and I’m working on it,” dagdag pa niya.

Matatandaang nito lamang Agosto nang ibunyag ng aktres na hiwalay na sila ni Paolo matapos ang kanilang 6 taon na pagsasama.

Matapos nito, lumipad patungong New York, USA si LJ bitbit ang kanyang 2 anak na sina Aki at Summer at pansamantalang naninirahan kasama ang ermat niya roon. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?