181

Dec 27, 2017 @ 12:43
By

LJ, gusto nang pakasalan ni Paolo Contis

Inaasahang sa kasal na ang punta ng relasyon nina LJ Reyes at Paolo Contis base na rin sa birthday message ng aktor para sa Kapuso actress.

Isang punung-puno ng pagmamahal at promise of forever ang laman ng mensahe ni Paolo sa kanyang Instagram account kung saan nakabalandra ang close photo ng kasintahan na kuha sa bakasyon nito sa Amerika.

Sa message caption, ibinuhos na ni Paolo ang laman ng kanyang puso para i-describe ang laki ng pagmamahal niya kay LJ.

Kung ice cream lang si LJ, nalusaw na ito sa nakakakilig na mensahe sa kanya ni Paolo. Sabi nga sa salitang bading, “Nakakahaba ng hair” ang mga papuri at pag-ibig ni Paolo sa una.

Sa huling mensahe ni Paolo sinabi niyang si LJ na ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda.

So, meaning si LJ na ang gustong pakasalan ni Paolo kung talagang hindi pa sila kasal.

@paolo_contis, “Alam ko marami pa ang malabo at hindi malinaw sa ating hinaharap…pero isa lang ang malinaw para sa akin…ikaw. Malinaw na ikaw lang ang gusto kong makasama habang hinaharap lahat ng kalabuan sa mundong ito. Ikaw lang ang nagbibigay saya sa akin sa gitna ng ilang kalungkutan ko. Kaya naman malinaw na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pagtanda ko. Salamat mahal, maligayang kaarawan sayo! Lagi kong ipinagdadasal ang iyong kaligayahan, kalusugan at tagumpay sa lahat ng bagay… mahal na mahal kita.”

Hindi naman ito kataka-taka dahil sa pagkakaalam namin si LJ lang ang pinakamatagal na relationship ni Paolo.

Kung magkaroon man ng engagement sa susunod na taon sa dalawa, deserving naman nila. Makikita naman sa mga IG photo posts nila kung gaano sila kasaya na magkasama, kapiling ang anak ni LJ kay Paulo Avelino. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?