106

Sep 13, 2021 @ 17:56
By

LJ dedma sa sorry ni Paolo

Diyeta ang mga “marites” o chismosa kay LJ Reyes.

Dedma kasi ang aktres sa sorry at pag-amin ni Paolo Contis sa ilang taong panloloko sa kanya.

Sa kanyang latest Instagram post, tila moving on si LJ at todo enjoy sa panonood ng New York Fashion Week sa Brooklyn.

Mala-modelong nag-pose si LG sa kalye ng NY habang naka-all black OOTD.

“NYFW 2021,” maiksing caption ni LJ.

Maraming follower ni LJ ang natuwa sa comment ni Chynna Ortaleza na super support sa kanyang kaibigan.

“Pwede pumalakpak ng todo… slow clap.. para sa isa sa pinaka malakas na babae na kilala ko!” sambit ni Chynna.

Sabi ni vkiesunlimited_00: “Supportive frenz.”

“Thank you Mommy Chynna,” react naman ni ms.bethywoop.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?