28

Nov 21, 2019 @ 13:47

Lizzo, Billie Eilish nanguna sa Grammys 2020 nomination

Parehong pasok sa “big four” category ng ika-62 Grammy Awards ang mga American singer-songwriter na sina Lizzo at Billie Eilish.

Ang tinuturing na big four category ay ang “Best New Artist,” “Best Record, “Best Album,” at “Best Song.”

Samantala, pasok sina Ariana Grande at Lana Del Ray sa walong nominee para sa album of the year.

Kinilala rin ang “Old Town Road” ni Lil Nas X na nominado sa iba’t ibang category, habang kalahok ang “Someone You Loved” ni Lewis Capaldi sa Song of the Year.

Sa January 26 ipalalabas sa CBS ang 62nd Grammy Awards.

Makikita ang buong listahan ng mga nominado rito:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?