389

Jan 10, 2020 @ 21:34
By

Liza Soberano umapela kay Duterte sa ABS-CBN franchise renewal

Nagbigay ng mensahe si Kapamilya actress Liza Soberano kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa press conference ng upcoming series nila ng real-life partner na si Enrique Gil na “Make It With You”, naitanong sa kanya ang reaction niya tungkol sa expiration ng ABS-CBN franchise nitong Marso.

“He is understanding, I believe. Alam niya namang maraming maaapektuhan… It’s not just the company itself, but all the employees. I’m sure he has a generous heart and an understanding heart,” wika niya.

Umaasa aniya siya na mapag-isipan ito ng Pangulo at maging bukas ang puso sa maliliit na empleyado na mawawalan ng trabaho kapag nagsara ang network.

“I hope he wakes up one morning and he thinks about it again, and maging bukas ‘yung puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho,” wika pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?