156

Jan 17, 2021 @ 17:08
By

Liza Soberano surfer na!

Wala yatang dalang payong si Liza Soberano nang magpaulan ang Diyos ng kagandahan at talento!

Bukod kasi sa pagiging maganda at magaling na aktres, isa na ring surfer ang 23-anyos na aktres.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang ilang litrato niya kasama ang nobyo nitong si Enrique Gil sa Siargao.


Makikita rin na enjoy na enjoy ang dalaga habang nakadapa sa kanyang surfing board.


“Missing Siargao. Thank you so much @ninobarbers, @katarinarodri and the amazing staff of @bayudsiargao for giving us the best experience,” saad niya sa caption ng kanyang post.

“Siargao has a special place in our hearts thanks to how sweet everybody is, even the locals who would wait for us on their little boats were so sweet and respectful,” dagdag pa niya.

Aniya, hindi siya makapaniwala na marunong na siyang mag-surf kaya pinasalamatan niya ang nagturo sa kanya.

“I can’t believe I know how to surf and now I just can’t wait to surf again!! It’s so addicting. Thank you @ikit_agudo, you’re the best instructor,” saad niya.

Sa kanyang latest post, makikita ang aktres sa beach na tila nagsasaya sa hampas ng tubig sa dalampasigan.


Sa Siargao ipinagdiwang ng aktres ang kanyang ika-23 kaarawan kasama si Gil. (VAPA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?