abante liza soberano birthday
By

Liza Soberano, simple & kind – Enchong Dee

Sharing is caring!

Iisa ang deskripsyon ng mga kaibigan nya sa showbiz at naka-trabaho kaya naman malalamang hindi lang ganda may taglay si Liza Soberano kundi magang puso at kasimplihan.

Sa nakaraan nyang birthday, binati si Liza ng ilan niyang mga friends sa industry at pawang papuri sa kanyang personality at character ang ipinukol nila sa aktres sa Instagram postings nito.

Sabi nga ni Enchong Dee sa kanyang socmed greetings, sa larawan nilang dalawa ni Liza na pareho silang naka-itim at nakaupo sa isang couch, ‘most adorable people’ raw ang aktres.

@mr_enchongdee, “All she wanted was to be greeted for her birthday. Stay simple, beautiful, happy and kind @lizasoberano. You’re one of the most adorable people I know. Can’t wait for us to be neighbors.”

Ganito rin ang laman ng birthday greetings ni Enrique sa kanyang IG posts para sa rumored girlfriend.

Deskripsyon nya kay Liza, “Simple and kind”.

Kahit hindi halos kilala nang kanyang mga followings si Liza dahil pawang promotion ng kanyang mga endorsements ang pinu-poste nito sa kanyang IG, ang mga kakilala at

kaibigan nito sa showbiz ang nagpapatunay nang mga magagandang qualities nang susunod na darna. Rey Pumaloy

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?