96

Apr 15, 2021 @ 21:21
By

Liza Soberano napiling Save the Children ambassador

Tagapagsulong na sa karapatan ng mga kabataan ang aktres na si Liza Soberano.

Siya ang napiling bagong ambassador ng Save the Children Philippines (SCP).

Kasabay ito sa pagdiriwang ng SCP ng kanilang ika-40 taong anibersaryo.

Lingid sa kaalaman ng iba, pasikretong nagdo-donate si Liza sa child rights organization at nag-sponsor din ng mga bata sa Uganda mula pa 2016.

Taong 2018, nakiisa si Liza sa “Lahat Dapat” campaign ng SCP upang labanan ang kagutuman at malnutrisyon.

Nakibaka rin siya para sa pantay na access ng mga bata sa masustansiyang pagkain.

Sinuportahan din ng aktres ang #SaveWithStories ng SCP noong 2020 na nakakalap ng pondo para sa Project ARAL (Access to Resources for Alternative Learning) ng mga batang nagmula sa mga pamilyang maliit lamang ang kinikita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?