29

By

Liza Soberano, naghahanda na sa pagiging Darna

Sharing is caring!

Puspusan na ang paghahanda ni Liza Sobrano sa pagganap niya sa pinakaaabangan role ni Darna. Hinsdi lang siya regular na nag-eensayo para maging slim sa naturang role, kundi pinaghahandaan niya ito talaga physically, para maging mas malakas din ang katawan niya.

Aminado si Liza na na-bash siya before at may mga kumukuwestiyon kung bagay ba siya at kakayaning maging Darna.

“I’ve been bashed for it before, and now that I got Darna, of course, parang mas may pressure ako to get physically fit,” saad ni Liza sa isang panayam.

Isang challenge raw ito para kay Liza, kaya mas desididong patunayan ng Kapamilya aktres na karapat-dapat siya sa role ng iconic Pinay superhero.

Higit isang taon nang sumasabak si Liza para sa kanyang physical conditioning. Matindi rin ang ginagawa niyang physical training at makikita naman ang resulta nito sa mga action scene niya sa serye nilang Bagani sa ABS CBN.

Nabanggit nga ng aktres na hindi siya pumapalya sa kanyang training kahit na abala sa shooting ng teleserye niya at ng Darna.

”I’ve been training simultaneously, despite na mayroon akong taping and shooting sa Darna na ginagawa. I’ll make sure that I get to a gym at least four or five times a week,” sabi pa ng magandang alaga ni katotong Ogie Diaz.

“Hardworking po talaga ako sa training kasi I really want to do well and gusto ko talaga matuto, especially for the fight scenes, kasi talagang magiging mahirap siya,” pahayag pa pa ni Liza na idinagdag pang bukod sa mga matitinding action scenes sa Darna ay sasabak din daw siya rito sa matinding drama.

Ang Darna ay pinamamahalaan ni Direk Erik Matti para sa Star Cinema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?