458

Jan 3, 2018 @ 14:53
By

Liza Soberano, kayang kabugin ni Daiana Menezes

Hindi lang si Liza Soberano ang may pinakamagandang mukha sa balat ng local showbiz, puwedeng pataubin ni Daiana Menezes ang beauty ng Kapamilya star hindi lang sa ganda ng mukha kundi maging sa kaseksihan.

Kilala sa Instagram si Daiana bilang palaban sa hubaran, makapal ang mukhang magsuot ng mga makikitid na bathing suit na halos sumungaw na ang kanyang “ningning”.

Pinupuri naman ang aktres sa kaseksihan nito, pero laging natatakpan ng paghububad nito sa social media ang ganda ng kanyang mukha.

Sa latest posting ni Daiana sa kanyang IG, parang isang Encantada sa ganda ang mukha nito sa close-up shot na pinoste nito sa kanyang wall.

Walang maipipintas sa ganda ni Daiana na halos perfect ang kanyang mukha.

Mula sa kilay, mata, ilong, bibig, ngipin, baba at hugis ng mukha, parang nililok ng isang mahusay na sculpture ang ganda nito.

Pang-international ang beauty ni Daiana na kahit sino ang makakita, walang hindi magsasabing “hayup sa ganda” ng babaeng ito.

Ang kaibahan lang nina Liza at Daiana, si Liza ay may dugong Pinay. Si Daiana ay purong Brazilian.

Si Liza ay bini-build up ng ABS-CBN 2 na malaki ang network, samantalang si Daiana ay isang freelancer actress.

Sa tagal na ni Daiana sa Pinas at showbiz, nayakap na nito ang kultura, pananalita at pakiramdam ng isang Pinay.

Kung tutuusin, mas Pinay sa kanyang ugali si Daiana kumpara sa ibang purong Pinoy sa showbiz.

Yung ibang Fil-Am na halos 15 years nang nandito sa Pinas ay hindi pa rin makapagsalita ng diretsong Tagalog, si Daiana na dalawa o tatlong taon pa lang sa showbiz nang magsimula siya, matatas o fluent na siyang magsalita ng Tagalog.

Kung meron kaming bibigyan ng award para sa mga foreigner na nagkaroon na ng pusong Pinoy, isa si Daiana sa bibigyan namin ng parangal.

Wish namin na mag-bloom pa ang karera ng Brazilian actress na ito para mas marami pa siyang kapwa foreigner na ma-encourage na isapuso ang pagiging isang Pinoy. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?