148

Dec 30, 2019 @ 15:10
By

Liza Soberano, James Reid napabilang sa ‘Most Beautiful, Handsome’ list

Napasamang muli si Kapamilya actress Liza Soberano sa listahan ng “Top 100 Most Beautiful Face” ngayong 2019.

Tumuntong sa 10th spot si Soberano matapos maging ikaapat sa ranking noong 2018 at pagna-No. 1 niya noong 2017.

Ito na ang ikalimang pagkakataon na napasama sa listahan ng TC Candler si Soberano kasama si Jessy Mendiola, na pumang-93 naman.

Swak sa pang-42 si Kapamilya actor James Reid sa taong ito na “Top 100 Most Handsome Face”.

Samantala, sina K-pop stars Tzuyu ng Twice at Jungkook ng BTS ang tinanghal na “Most Beautiful and Handsome Face” nitong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?