133

By

Liza Soberano humawak din ng ‘singsing pari’

Sharing is caring!

Matapos mag-viral ang kanyang ‘ipis’ video, lumabas naman ang isang clip ng nangyari after ng ‘What’s inside the box?’ challenge kay Liza Soberano.

Nakangiti pa si Liza habang hawak niya ang isang ‘bagay’ at kaswalang inabot sa isang tao sa dressing room.

Sa description ng clip na ni-repost ng mga fan ni Liza, sinabing isang singsing pari o millipede ang kanyang hinawakan.

Kuha ito matapos niyang i-film ang promo video ng isang brand ng relo na ine-endorse ni Liza.

Ngayon nga, si Liza na ang batayan ng pagiging maarte at sigaw pa ng mga netizen, “Umarte nang naaayon sa ganda.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?