618

Oct 3, 2017 @ 8:00

Liza Soberano, gandang-ganda kay Janine Gutierrez!

Sobrang humble talaga ni Liza Soberano. ‘Yun bang ang ganda-ganda mo na, pero feeling mo pa rin, hindi ka ganu’n kaganda, at mas marami pa ring mas maganda sa iyo.

Na tamang attitude naman, dahil kung feeling mo, ikaw na ang pinakamaganda sa buong mundo, eh, saan ka na pupulutin, ‘di ba?

Imagine, sa ganda niyang ‘yan, na kinatatakutan nga taun-taon sa Star Magic Ball, at tipong mahirap katabi sa picture taking, dahil alam mo na ang magiging resulta, na ang ganda agad niya ang mas mapapansin, kesa sa iyo, pero ‘yun na nga, may mga artista pa rin pala, na para sa kanya, ang pretty-pretty talaga.

At ang nakakatuwa pa, mula sa Kapuso Network ang sinasabi niyang kagandahan na ‘yon. Well, si Janine Gutierrez, na nag-attend din sa Star Magic Ball, with Rayver Cruz, ang tinutukoy nga ni Liza, na gandang-ganda siya.

“Finally got to meet the beautiful Janine Gutierrez!” sabi ni Liza sa photo nilang dalawa na makikita sa IG stories niya.

“Too bad I was in my pjs (pajama) already. Oh well…” sey pa ni Liza.

Pero sa totoo lang, kahit burado na ang make up ni Liza sa photo nilang ‘yon ni Janine, ang ganda pa rin talaga niya. (DONDON SERMINO)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?