388

Dec 28, 2017 @ 16:56

Liza Soberano, bumida sa Top 100 Most Beautiful Faces

Bumida sa listahan ng magagandang mukha si ABS-CBN actress Liza Soberano ngayong taon.

Nitong Miyerkules ay inilabas ng TC Candler, isang professional film critic, ang kanilang listahan ng 100 Most Beautiful Faces of the Year, na ipina-publish ng The Independent Critics taon-taon.

Ito ang unang pagkakataon na manguna sa listahan ang Pinay celebrity na nag-umpisa ng 1990.

Ipinakita ng TC Candler sa YouTube na naungusan ni Liza at 90,000 plus celebrities na nasa listahan ng 28th edition nito.

“Aesthetic perfection is only one of the criteria. Grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise, hope… they are all embodied in a beautiful face.

“With those criteria in mind, TC Candler and the IC members select only 100 faces out of the approximately 90,000+ celebrities (which works out to less than 0.0012%),” sabi nito sa video na naging pamantayan nila sa pagpili ng Top 100.

Noong 2016 ay pumangalawa lang si Liza kay English supermodel/actress Jourdan Dunn at ngayon ay wagi na siya.

Ang top 10 sa taong ito ay ang mga sumusunod, ayon sa TC Candler:

1. Liza Soberano (Model/Actress/Singer, Philippines)

2. Thylane Blondeau (Model/Actress, France)

3. Tzuyu (TWICE member, Taiwan/South Korea)

4. Sarah Gadon (Actress, Canada)

5. Nana (After School member, South Korea)

6. Jourdan Dunn (Supermodel, UK)

7. Adelaide Kane (Actress, Australia)

8. Ju Jingyi (Singer/Actress, China)

9. Golshifteh Farahani (Actress, France/Iran)

10. Camilla Belle (Actress, U.S.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?