467

Nov 27, 2021 @ 13:52
By

Liza Soberano bawal maging calendar girl

Masamang balita para sa mga nag-aabang kay Liza Soberano na mag-sexy pose sa kalendaryo.

Tila tutol kasi ang manager ni Liza na si Ogie Diaz na maging Tanduay calendar girl ang kanyang alaga.

Sa kanyang YouTube channel, naitanong kay Ogie kung papayagan ba nito si Liza sakaling gustuhing maging calendar girl.

“Tatanong ko muna sa kanya kung umiinom ka ba ng alak anak?” sey ni Ogie.

“Para ka na ring nag-e-endorse ng liquor, parang nag-e-endorse ng yosi, ‘di ba? Kahit pa sabihin mong calendar lamang ‘yan, siyempre importante pa rin, kino-consume mo ba ‘yan? Ginagamit mo ba ‘yan? Hilig mo ba ‘yan? Umiinom ka ba ng alak?” dagdag pa ni Ogie.

Paliwanag pa niya, nakaka-mature ang pag-endorso ng alak.

“Nakakadagdag ng edad. Ang mga artista, tandaan ninyo ha, hindi sila tumatanda every time sasapit ‘yong birthday nila. Tumatanda sila sa mga role o character na ginagampanan nila,” paliwanag pa ni Ogie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?