55

Mar 8, 2021 @ 15:52
By

Liza, Shay bobosesan si ‘Trese’

Ang mga boses nina Liza Soberano at Shay Mitchell ang bibida sa Netflix original anime series na “Trese.”

Binunyag ito ng Netflix ngayong Marso 8, kung kailan pinagdiriwang ang International Women’s Day.

Si Liza ang boboses sa bidang si Alexandra Trese sa Filipino language version ng serye, habang si Shay–na may dugong Pinoy–naman ang sa English version.

“Call Alexandra… cause I’ve got news. It’s official, Liza Soberano & Shay Mitchell are Alexandra Trese!!!” anunsiyo ng streaming platform sa social media.

“May strong women always lend a voice to one another, especially when there’s an aswang or two around. Happy International Women’s Day,” dagdag nito.

Ang “Trese” ay batay sa Pinoy horror/crime komiks na nilikha nina Budjette Tan at Kajo Baldisimo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?